Isang mass casualty incident simulation ang isinagawa ng Philippine Red Cross sa Mandaluyong City nitong Miyerkoles.
Mabilis na dumating ang emergency response teams kaya nailigtas ang mga ”sugatan” matapos kunwari’y tumama ang isang malakas na lindol.
Bahagi ang pagsasanay ng pagdiriwang ng World Red Cross and Red Crescent Day 2024.
Bukod sa mga kalamidad at sakuna, naghahanda na rin daw ang PRC para sa epekto ng isang giyera. Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, itinuturo na sa kanilang volunteers ang wartime first aid. — VBL, GMA Integrated News