Bulacan governor, vice governor, 4 iba pa sinampahan ng kasong graft sa Ombudsman

Ang mamamahayag na si Orlan Mauricio sa kanyang press conference nitong Biyernes habang ipinapaliwanag ang aniya’y iregularidad sa publication ng 2023 Provincial Tax Ordinance at ilegal na pangongolekta ng buwis ng Kapitolyo ng Bulacan. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Sinampahan ng kasong graft and corruption sina Bulacan Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro, provincial administrator Antonette Constantino, sangguniang panlalawigan secretary Perpetua Santos, Mel Dimaano na assistant ni Fernando, at Fe Alvarez, publisher ng “The Central Chronicle,” dahil umano sa ilegal na koleksyon ng buwis dahil hindi ito nakatupad sa isinasaad ng batas sa tamang publication.
Ang reklamo ay isinampa ng newspaper publisher na si Orlan Mauricio dahil sa pagpapatupad ng Kapitolyo ng umano’y illegal tax ordinance na ipinublish noong 2023 sa The Central Chronicle na isa umanong fly-by-night weekly newspaper.
Sa 15-pahina na reklamong isinampa ni Maurico sa Ombudsman, hiling nito na agad na pigilan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagkolekta sa itinaas na real property tax sa ilalim ng Sangguninang Panlalawigan Kapasiyahan Blg, 538A-T 2023 na nagtataas ng amilyar sa 20 bayan sa Bulacan ng 10% hanggang 15% dahil hindi ito nai-publish sa isang lehitimong pahayagan na wala sa general circulation sa Bulacan at sa halip ay nakabase sa lalawigan ng Rizal. Wala ring umanong public consultation ang naganap ukol dito.
“Null and void” ang ordinansa, ayon kay Mauricio, dahil hindi ito sumunod sa batas na kinakailangan muna ng publikasyon na ipinag-uutos sa ilalim ng Sec. 188, ng Local Government Code (RA 7160).
Hindi din umano idinaan sa tamang proseso ang pagpili sa nasabing pahayagan dahil hindi ito alinsunod sa RA 9184 (Government Procurement Reform Act).
Ayon pa kay Mauricio, ang ordinansa ay ipinasa noong Hulyo 6, 2023 at nai-publish sa The Central Chronicle noong Agosto 28, Setyembre 4 at 11, 2023 sa kabila ng walang “Request for Quotation” (RFQ) ang kapitolyo sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).
Paliwanag ni Mauricio na nauna na niyang binigyan ng babala ang Kapitolyo na ang The Central Chronicle ay isang fly-by-night newspaper at blacklisted din sa Lungsod ng Malolos batay sa isang city bids and awards committee resolution na may petsang Set. 30, 2022.
Pero hindi daw siya pinakinggan ng Kapitolyo at sa halip ay ipinublish pa rin sa The Central Chronicle ang nasabing tax ordinance.
Sa ilalim kasi aniya ng Uniform Guidelines on Blacklisting alinsunod sa RA 9184, ang isang naka-blacklist na merchant o business entity ay pinagbabawalan na makipagtransaksyon sa gobyerno sa loob ng isang taon.
Ani Mauricio, kahit noong bise gobernador pa lang si Fernando simula 2011 na sa halip na ilagay sa PhilGEPS ang paglalathala ng mga provincial ordinance portal ay lihim na iginawad ni Fernando ang mga kontrata ng publikasyon sa kanyang mga paboritong kaibigan sa media.
Aniya, dahil sa nasabing ordinansa ay umabot na ng halos P90 million ang umano’y ilegal na nakolektang buwis ng Kapitolyo mula sa mga residente sa 20 bayan sa Bulacan.
Panawagan niya sa Ombudsman na agad na ipatigil ang implementasyon ng tax ordinance sa Bulacan dahil ito ay ilegal, walang bisa, at hindi maipapatupad dahil hindi ito naka-comply sa isinasaad ng batas.
Samantala, sa panig naman nina Fernando, Castro at iba pang sinampahan ng kaso ay hindi pa daw sila nakakatanggap ng kopya ng nasabing reklamo mula sa Ombudsman kayat hindi pa sila makapagbibigay reaksyon hinggil dito



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *