Hagonoy-Calumpit Road hindi na madaanan ng mga sasakyan

Ang malakas na ragasa ng tubig sa Hagonoy-Calumpit Road sa bahagi ng Barangay Calizon. Kuha ni Rommel Ramos

CALUMPIT, Bulacan — Hindi na madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang kahabaan ng Hagonoy- Calumpit Road dahil may mga bahagi na dito na hanggang dibdib na ang lalim ng baha.

Ang mga barangay na apektado ng baha sa nasabing provincial road ay ang Balungao, Calizon, Bulusan, Sta. Lucia, San Jose, at Meyto.

Sa bahagi pa lang ng barangay ng Balungao ay wala na halos makikitang dumadaan na mga sasakyan na umaabot na sa hanggang tuhod ang tubig baha.

Magsisimula pa itong lumalim sa hanggang bewang mula sa Calizon at palalim pa ng palalim hanggang sa San Jose papunta sa bayan ng Hagonoy.

Maging ang malalaking truck ay hindi na daw kinakaya pa ang tubig kayat wala na ditong dumadaan.

Halos mag-iisang linggo na itong hindi madaanan ng mga sasakyan kayat umiikot na lang ang tricycle sa gilid ng dike at pagdating sa dulo nito ay doon naman sasakay sa mga namamasadang bangka ang mga residente pabalik at palabas ng kanilang mga tahanan.

May mga bangkero nang namamasada at naniningil ng P60 hanggang P100 kada ulo ng pasahero, depende sa layo nito sa barangay na paghahatiran.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *