Dahil sa sobrang init, blended learning ipapatupad sa NE

LUNGSOD NG PALAYAN — Magpapatupad ng pagbabago sa oras ng pasok ng mga mag-aaral at guro sa Nueva Ecija dahil sa umiiral na sobrang init ng panahon, batay sa anunsiyo ng tanggapan ni Gov. Aurelio Umali nitong Biyernes.

Ayon sa anunsiyo, ang face-to-face na klase ay isasagawa mula ika-6 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali at modular naman sa hapon “upang ang mga guro at mag-aaral ay mananatili sa bahay lamang”.

“Ang pansamantalang pagbabago sa oras ng pasok sa eskwelahan ay mananatili hanggang hindi binabawi sa pamamagitan ng pagpapalabas ng panibagong anunsyo,” batay sa pahayag na nakapaskil sa social media page ng punong lalawigan.

Ang desisyong ito ay resulta umano ng pakikipag-ugnayan sa mga namumuno at parents-teachers associations ng mga pampublikong paaralan.

Rekomendasyon din daw ito ng provincial health office.

Layunin ng hakbang na ito na “maiiwas ang mga guro at magaaral sa mga sakit o masamang dulot sa kalusugan ng masidhing init ng kasalukuyang panahon.”



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *