Acting mayor ng Bamban nagsumite na ng COC, Guo filing wala pa rin

Si Bamban acting Mayor Eraño Timbang na ipinapakita ang kanyang COC. Kuha ni Rommel Ramos

BAMBAN, Tarlac — Naghain na ng certificate of candidacy ang acting mayor ng bayang ito na si councilor Eraño Timbang sa pagka-alkalde sa 2025 election. 

Kasamang naghain ng COC ni Timbang ang kanilang buong partido at mga taga-suporta.

Ayon kay Timbang, tumakbo siya bilang alkalde para baguhin ang imahe ng Bamban sa pagakakakilala nito dahil sa kontrobersyal na POGO.

Kung papalarin aniyang manalo ay hihikayatin niya ang mga negosyante na mamuhunan sa kanilang lugar at asahan na tutulong ang pamahalaan ng Bamban.

Anya, tuloy-tuloy lang ang lahat ng naantalang mga proyekto dahil sa isyu ng POGO.

Asahan umano ng mga taga Bamban na iaayos at ibabangon niya ng may integridad at matinong panunungkulan.

Matatandaan na si Timbang ay naging acting mayor ng Bamban kasunod ng Ombudsman dismissal sa dating alkalde na si Alice Guo at suspension naman ni OIC mayor noon na si vice mayor Leonardo Anunciacion.

Samantala, ayon sa talaan ng Bamban Comelec ay may nakapaghain nang tatlong kandidato sa pagka-mayor, tatlo sa vice mayor at 21 councilor ngayong Oct. 7.

Wala pa ring naghahain ng COC hanggang ngayon para kay Alice Guo na ilang araw nang umuugong na magsusumite ito ng kandidatura para sa 2025 election.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *