Ikot Palengke Program isinagawa ng DTI sa San Antonio

IBA, Zambales (PIA) — Nagsagawa ng monitoring at inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) Zambales sa pamilihang bayan ng San Antonio.

Naging katuwang ng ahensya sa pagpapatupad ng programang Ikot Palengke ang Local Price Coordinating Council (LPCC).

Ayon kay DTI Provincial Director Enrique Tacbad, layunin nito na suriin ang presyo at suplay ng mga processed at agricultural basic necessities and prime commodities.

Tinitignan din ang mga timbangan kung tama at kung ang mga bilihin ay may naaangkop na presyo.

Mahigit 85 pwesto sa pamilihang bayan sa San Antonio ang ininspeksyon ng Department of Trade and Industry-Zambales at Local Price Coordinating Council sa ilalim ng Ikot Palengke Program. (DTI Zambales)

Dagdag pa ni Tacbad, ito ay inisyatibo ng kagawaran upang maseguro ang proteksyon ng mga mamimili laban sa hindi patas na kalakalan at proteksyon ng mga konsyumer.

May mahigit 85 na pwesto sa palengke ang inspeksyon at wala aniyang nakitaang depektibo.

Samantala, hinihimok ng DTI ang lahat na maging matalino, mapanuri at disiplinadong mamimili.

Ang LPCC ay binubuo ng Office of the Municipal Mayor, Municipal Agriculture Office, Office of the Market Master at Municipal Treasurer’s Office. (CLJD/RGP-PIA 3)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *