1.
Ang taong 2025 ay puno ng KONTROBERSYA
lalo na sa aspeto at larangan ng PULITIKA
mga MISSING SABUNGEROS may nagbunyag na dinala isinako’t inilibing sa TAAL LAKE ng Laguna na kung saan ang pamilya ng mga pobreng BIKTIMA hanggang ngayon umaasang mabibigyan ng HUSTISYA
2.
Nilusob ng awtoridad hinihinalang POGO HUB
na nasa bayan ng Bamban sa lalawigan ng TARLAC ganoon din sa Pampanga doon sa bayan ng PORAC na kung saan isinara’t matagumpay NALANSAG ang dating mayor ng Bamban na noon ay NAKATAKAS ngayon ay nahatulan na’t NAGHIHIMAS na ng rehas
3.
Ito ay hinggil sa KASO na may kaugnayan pa rin sa offshore gaming lalo sa QUALIFIED HUMAN TRAFFICKING pinag-utos ng pangulo na ang POGO ay LANSAGIN at ang mga nasa likod ng nasabing OFFSHORE GAMING kung nagkasala sa batas dapat na PAPANAGUTIN
ang sabi pa ang RULE OF LAW ay dapat na pairalin
4.
Inaresto’t ikinulong sa THE HAUGE si PRRD
noong nakaraang MARSO ng mga taga ICC
ito’y dahil diumano sa CRIMES AGAINST HUMANITYat EJK nang siya pa ang alkalde ng DAVAO CITY dahil sa kanyang SINAPIT at sa mga nangyayari hati at magkasalungat sa opinyon ang MARAMI
5.
At ang huli ay ang isyu sa mga pekeng FLOOD CONTROL na kung saan sinasabi na TALAMAK ang korapsiyon mayrong mga kumukubra na umaabot ng BILYON
sa mga tao na sangkot at masisibang CONTRACTOR may ilan na sa kanila ang ngayon ay NAKAKULONG at doon sasalubungin parating na BAGONG TAON
6.
Mayron kayang makukulong sa’ting mga MAMBABATAS ? na may mga kaugnayan sa contractor at KASABWAT dahil ilan sa kanila diumano’y NAKALABAS na ng bansa dahil sila’y UUSIGIN na ng batas ang mga CONGRESSMAN sana’y maimbestigahan lahat at kung sila’y nagkasala ang parusa ay IGAWAD
7.
Sana sa taong darating NEW YEAR 2026 ang KORAPSIYON sa gobyerno ay tuluyan ng maalis ngunit malabong mangyari hangga’t hindi NAWAWALIS sa kanilang mga pwesto mga pulitikong GANID hanga’t hindi nagbabago ang takbo ng PAG-IISIP ng mga BOTANTENG TANGA’t sa patalim kumakapit